?

Log in

No account? Create an account
kung bored ka... ako din. :) [entries|archive|friends|userinfo]
whitetsokoleyt

[ website | my multiply ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Addict na pala... [Apr. 23rd, 2006|01:20 am]
whitetsokoleyt
[Current Location | bahay]
[mood |awakeawake]

Wow, gising pa ako! Dapat kasi may lakad ako ngayon, este kahapon pala, pero hindi na natuloy. Kaya ako'y bilanggo na naman sa bahay. Dahil ako'y bilanggo at walang magawa, madami akong nagawa! Amazing. Hehe.

Una, inayos ko ang tambak-tambak na magazine sa kuwarto namin ni ate. Sa sobrang walang magawa e ipinagsama-sama ko pa yung magkakaparehong magazine at pinagsunod-sunod hanggang nasa tuktok ang pinaka-bagong issue.

Pagkatpos ay nag-internet na ako. Kung saan-saan na akong sites napunta pero ito ang mga pinaka-pinagsawaan ko:
1. http://k9couture.com.ph
2. http://www.celebritydogblog.com
3. http://rachel-bilson.net
4. at mga sites na may information sa pagaalaga ng aso especially sa mga poms.
Grabeng addict na ako magkaroon ng aso! Natatakot nga ako baka hindi ako magkaroon eh. Pero nagiipon na ako.:)

Sa mga may aso diyan, tignan niyo yung unang site kasi maganda yung mga products nila don. (mag-endorse ba?? Hehe.) Enjoy na enjoy ako magtitingin don kasi ang cute cute ng mga tinda. Hehe. Window shopping lang pala. Eto yung mga pinaka-nagustuhan ko:


-> clothes


-> carriers


-> beds


-> accesories (collar, pearl choker w/ bell, personalized blingbling, hair accents)
Graaabeng sosyal noh? Haha. Yung askal nga namin buhay na buhay na ng walang mga ganyan eh! Hehe.

Yung pangatlong site naman ay puro tungkol kay Rachel Bilson, si Summer sa The OC. Gusto ko kasi siya sa The OC kaya yun. Sila pala ni Adam Brody! Grabeng cute nila! Eto sila nakakakilig. Hehe.


Matutulog na sana ako kaninang 11:30pm pero napalipat ako sa Ch2 (pero KAPUSO pa din ako) at nakita kong pinapalabas yung "Sa Piling Mo" ni Juday at Piolo. Hehehe. Gusto ko yung palabas na yun dahil kinikilig ako. Hehe. Ano ba yon. Pero yun nga, napanood pa tuloy ako. Aba'y marathon pala at walang commercial! Enjoy! Hehe. Hindi ko kasi napanood iyon (mga unang episodes kasi yung pinalabas) kaya sobrang nagbabad ako sa TV at pinanood ko iyon hanggang matapos. And ending ay umiiyak si Papa Piolo. Napaluha tuloy ako. Jologs. Ang guwapo kasi niya eh. Hehe.

Nako lumalabas ang pagka-jologs ko. Hehe. Pero ok lang yon.

Teka, sagutan ko lang to. Huling hirit na. Hehe. =P

10 FIRSTS
first best friend(s): colleen
first screen name: imamunchkin?
first pet name: hala...
first piercing: ears
first crush: nakalimutan ko na.
first school: Mother Goose Playschool
first house location: Bagong Ilog, Pasig CIty
first kiss: parents
first car: wala pa akong kotse.Hehe

9 LASTS
last time you smoked: hindi ko pa nasusubukan
last food you ate: Snickers
last car ride: pauwi galing sa Angono
last movie you watched: Pamahiin
last phone call: Anix
last CD you listened to: Black Eyed Peas
last song you listened to: hindi ko alam title

8 HAVE-YOU-EVERS
dated a best friend: no
been arrested: nope
been on TV: no
eaten sushi: Yes!
cheated on your BF/GF: nope
been on a blind date: nope
been out of the country: no :(
been in love: secret? hehe

7 THINGS YOU ARE WEARING
1. hair clip
2. ponytail
3. glasses
4. top
5. shorts
6. underwear
7. slippers

6 THINGS YOU HAVE DONE TODAY
1. kumain.. LUMAMON
2. nakipaglaro sa mga magugulong pinsan ko, Bea (2yrs old) and Diether (6 yrs old)
3. internet
4. nagbasa ng Angels& Demons ulit
5. Nag-text
6. Naligo

5 FAVORITE THINGS
1. camera
2. Bags
3. art materials
4. books
5. food

4 PEOPLE YOU TRUST THE MOST (it's in no particular order...)
1. barkada
2. bestfriend. from spcp Anix, from ust Raiz
3. busmates
4. God

3 THINGS YOU WANT TO DO BEFORE YOU DIE
1. maibalik ko lahat ng ginawa ng mga magulang ko para sa akin
2. maging doctor
3. magkaroon at magalaga ng madaming aso

2 CHOICES
vanilla or chocolate: vanilla
hugs or kisses: hugs :)

1 PERSON I WANT TO SEE RIGHT NOW
wala. gusto ko makita silang LAHAT.


O sige na, mag- beauty rest na ako....

Magandang gabi. Ay, Magandang umaga na pala, :)
link4 comments|post comment

ang saraaap ng munggo ice cream. [Apr. 19th, 2006|10:05 pm]
whitetsokoleyt
[Current Location | bahay.]
[mood |angrygalit ako, sa kanila lang. =p]
[music |*tootoot* ng cellphone ko.]

Sa wakas e nakalaya ako sa pagkakabilanggo sa bahay namin ngayong araw na ito!!! Yaaaahooooooooooo! Nagpunta ako kela Tina. :) Nagbadminton kami kasama si Del. Pagkatapos e bumalik ulit kami sa bahay ni Tina para kumain, magpahinga, at maligo. Mga 5:00 e umalis na kami papuntang Galleria para manood ng Pamahiin kasama pa sila Kj, Pau at Jacque. Pagkatapos ng sine ay nagpunta kaming Greenhills para magpakabusog sa kahit saan mang masarap na kainan sa Promenade. Ngunit bitin na bitin na BITIN ako. Sinundo na kasi ako agad. Hay buhay nga naman. Wala akong gana magkuwento pa dahil bwisit na bwisit ako. Kakaiba at nakakainis ang ending ng araw na ito. Ewan. Galit na galit nga pala ako sa kanila. Secret ko na yon. Basta kumukulo ang dugo ko ngayon.

Sa kabilang dako, (woeh. hehe) gusto kong mag summer job. Saan kaya pwede? Kung may alam kayo na magandang pagtrabahuhan, tulong naman. Maganda din kung malapit lang sa Cainta, mga somewhere here lang para hindi magastos sa pagcommute di ba? Hehehe. Demanding. Haha! :) Yun lang. Salamat!

Oo nga pala, bago ako masundo kanina e kumakain kami sa Floyd's ng ice cream. Ang sarap talaga ng Mungo ice cream nila dun. :) Nakaka-addict, gusto ko pa.
linkpost comment

ang walang magawa, madaming nagagawa. (?) [Apr. 18th, 2006|07:37 pm]
whitetsokoleyt
[Current Location |bahay]
[mood |bouncynababaliw sa kaboringan]

Yehey! Sa wakas e naayos ko na din ‘tong bago kong blog. :) Matagal ko na ‘tong nagawa (mga last week.hehe) pero hindi ko ma-“customize” dahil itong computer namin sa bahay ay hindi nagpapakita ng ibang kulay maliban sa black, white, blue, green, yellow, gray at light brown. Wow. WOW talaga. Bwisit. Nananakit na ang mata ko tuwing magsu-surf ako sa internet dahil kailangan ko pang isipin kung ano ang totoong kulay ang nakikita ko. Yung red nagiging black. At madami pang ibang kulay ang napapalitan ng blue, green, black at yellow. Hindi din ako makapaglaro ng Zuma pag talagang bored na bored na ako. Bad trip talaga.

Pero dahil naayos ko na ang kakaibang color scheme nitong blog ko (astig ba? Hehe) sa Netopia, hindi na muna ako magrereklamo sa kalagayan ng computer naming ngayon. Magfofokus muna ako ngayon sa paguupdate at sa pagsusulat ng mga walang kwentang pangyayari sa boring kong summer (sana nga may maganda nang mangyari e. yung tipong exciting!!!). Yun lang. Buti na lang e nagplano ng lakad si Tina bukas. Badminton daw tapos movie pagkatapos. Papanuorin daw namin yung Pamahiin. Sa totoo lang, mas gusto ko mapanood yung D lucky ones. Gusto ko kasing matawa, hindi ko feel manood ng horror. Pero ayos lang. :)

Noong April 12 e hindi ako nabulok lang sa bahay. Sa katunayan, yun ang unang gimik ko ngayong bakasyon. Nagswimming ako, si Pas, Jovecca at Helena sa pool nila Luanne. Siyempre e nandoon si Luanne, ang kakapal naman namin kung makikilangoy kami sa pool nila tapos wala ni isang miyembro ng pamilya nila ang kasama namin don. O yun. Nagbabad kami sa pool nila mula 4 :30 ng hapon hanggang mga 8 na ng gabi. Bago magswimming e kumain muna pala kami ng indian mango with matching sawsawan na toyo at asukal. Nung una e may pa- “Yuck” at “Eew” pa akong nalalaman, pero masarap pala! Hehe. Mga 3:00 pa lang kasi noon at mataas pa ang sikat ni Haring Araw kaya kumain pa kami ng Pancit Canton. Pagkatapos lumamon e nagpakasawa na kami sa kaka-swimming. May dalang camera si Pas kaya may mga proof pa tuloy kami ng mga weirdong pakulo namin sa swimming pool. Pero ayos lang. Buti nga yon may alaala. Weh. Hehe. Sa baba ay ang mga pictures namin na ninakaw ko lang sa multiply ni Pas. >=) Ang saya namin. Hehehehe.


sa tindahan, habang bumibili ng pancit canton

ako, Luanne, Helena, Pas, at Jovecca.

si Pas at ako

TALON!

nagpapakaweirdo lang...


Gusto ko ng aso. :( Gusto ko talaga. :( Sobra sobrang gusto ko!!!! Aalagaan ko talaga yun promise! At mamahalin na para ko nang anak! Hehe. Pero gusto ko talaga. Gusto ko ng puting pomeranian. Gusto ko lalaki kasi madalas na mas mahal bilhin ang babaeng aso diba? Yun ang napansin ko sa mga pet shop. Parang mas mura ang lalaking aso. Hehe. Pero yun. Atsaka natatakot ako baka ikamatay niya ang panganganak pag nabuntis siya. Hehe. Yun lang. Gusto ko ng puting Pomeranian na lalaki. Pero ok na din kung babae basta may pera ako pambili. Penge naman… :( Ganito yung itsura ng Pomeranian na gusto ko. Ganyang ganyan. Hehe.

Ganyan ang gusto kong aso. Ang cute cute! :) Paano kaya ako makakakuha ng ganyang aso? Kanino kaya ako manghihingi? Magnakaw na lang kaya ako? Ay wag na, baka mahuli pa ako. Bawal yata ang pets sa bilibid e. Hehe. Gusto ko talaga ng alagang aso!!!! (Sa may alam kay Jennifer, ang askal namin, nahuli siya ng barangay mga 10 buwan na ang nakakalipas. Malamang ay inasosena na siya ngayon. :’( Kawawa naman siya. May she rest in peace.) Pag may aso na ako, ang pangalan POMPOM pag girl tapos CODY pag boy. Wala lang. :)

Shet bored na bored naman ako. Hehe. Gusto ko na mapanood yung I love New York. Bagong soap ng Kapuso, bida sina Jennelyn at Mark! Kakakilig! Nye. Hehe.
link6 comments|post comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]